Magandang balita sa mga motorista.
Asahan ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, sa Martes, Abril 5 posibleng bumaba sa P2.50 hanggang P2.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P2.00-P2.20 sa presyo ng diesel at P1.70-P1.90 naman ang marahil na tapyas-presyo sa kerosene.
Ang napipintong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nitong Marso 22, huling inirollback sa P11.45 ang presyo ng diesel,P8.55 sa presyo ng kerosene at P5:45 naman sa presyo ng gasolina.