UniTeam ang sinusuportahang partido ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, batay sa isang video na ipinalabas sa naganap na miting de avance para sa Overseas Filipino Workers o OFW, para sa kandidatura nina presidential aspirant former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte’s UniTeam.

“Binabati ko po ang lahat ng OFW sa lahat ng sulok ng mundo na ngayon ay nanonood at buong sumusuporta sa tambalang UniTeam, BBM at Sara."

"Sana kayo ay nasa mabuting kalagayan, kung saan man po kayo naroroon na nag-e-enjoy sa inyong pagtitipon at sa ating watch parties.”

“Ako po ngayon ay naimbitahan upang magbigay po sa inyo ng munting mensahe dahil bukod po sa ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW,” aniya.

Tsika at Intriga

Gardo, aprub sa sinabi ni Igan: 'Kaniya-kaniyang diskarte... para magkamal ng salapi!'

“Paano ko naman ‘yan nasabi? Dahil po tuwing mag-a-abroad ako, magku-concert sa ating mga kapwa Pilipino, nakikita ko po talaga. Iniisip ko, kung ako nga, eh, nalulungkot ako, eh, mga three weeks o isang buwan lang akong nawawalay sa pamilya ko, paano pa kaya itong mga OFW natin na dalawa hanggang limang taon silang nawawalay sa kanilang pamilya?”

“Kaya ako po, alam ko po ang inyong pakiramdam kung gaano ba kalungkot na mawalay sa ating pamilya para mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan."

“Kaya po kung tayo man ay malayo sa ating pamilya, at tayo po ay nasa ibang bansa at kung saan mang sulok ng mundo, sana ay huwag po nating kalimutan ang mensahe na tayo ay magkaisa."

"Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai-Ai delas Alas para sa UniTeam.”

Noong Marso, galit na sinita ni Ai Ai ang mga fake news tungkol sa kaniya, na siya raw ay isang Kakampink. Tahasan niyang sinabi na hindi siya tagasuporta ni Vice President Leni Robredo. Ang ginamit umanong litrato ni Ai Ai na nakasuot siya ng pink na damit, ay sa pelikula niyang 'Tanging Ina Ninyong Lahat' sa Star Cinema.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/

"Utang na loob NANAHIMIK AKO wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang… huy!!! Tanging Ina ko pa picture 'yan, tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong kacheapan…" saad niya sa kaniyang Instagram post noong Marso 10, 2022.

"Pls. hindi po ako VP LENI supporter.. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly," aniya," dagdag pa niya.