Inaresto ng pulisya ang isang wanted na gang leader at isa pang tauhan nito sa ikinasang operasyon sa Lanao del Norte, kamakailan.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos ang mga suspek na sina Cabantog Alompo at Madrigal Alompo.

Hindi na nakalaban ng dalawa nang dakpin sa kanilangcompound sa Poblacion, Tangkal, Lanao Del Norte.

Sa pahayag ng mga awtoridad, si Cabantog ay kilalang lider ng Cabantog-Managsa Alompo Group, isang bagong gun for hire group na kumikilos sa Lanao Del Norte at mga karatig na probinsya.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

"The arrest of these persons and the confiscation of their deadly arsenal is a significant development in the PNP’s anti-criminality operations and manhunt against wanted persons especially known supporters of terrorist groups,” sabi ni Carlos.

Narekober sa mga suspek ang iba't ibang uri ng baril, mga bala, magazine, granada, at dalawang pirasong camouflage uniform.