Pinuri ni Bataan First District Rep. Geraldine Roman ang pagmamahal ni Davao City Mayor at ngayon ay vice-presidential candidate Sara Duterte sa sektor ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT).

Sa pagsasalita sa harap ng mga tagasuporta ng UniTeam sa Limay Sports Complex nitong Huwebes, Marso 31, ibinahagi ni Roman kung paano niya iniidolo si Duterte dahil sa kanyang pagmamahal at pagtanggap sa mga miyembro ng LGBT community.

"Mahal na mahal ko ang babaeng ito dahil mahal na mahal niya ang mga LGBT," ani Roman, na siyang kauna-unahang transgender elected sa Lower House of Representatives.

"Narito po ako, berdeng-berde, para po magpaabot ng aking suporta sa ating magiging vice president ng republika, walang iba kundi si Vice President Sara Duterte," dagdag pa ni Roman.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpahayag din ng buong suporta si Roman para sa kandidato sa pagkapangulo ng UniTeam na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Aniya, "Ako ay galing sa 1st district at nais kong malaman ninyo lahat na kami ay solid BBM-Sara. Tayong lahat rin dito sa Limay ay solid BBM-Sara din."

Inawitan rin ni Roman si Duterte ng rendition nito ng "Umagang kay Ganda," isa sa mga kantang ginagamit ni Marcos sa pagkampanya.

Kumpiyansa si Roman na ipagpapatuloy pa ni Duterte ang serbisyo nito sa publiko kung mahalal na bise presidente.