Muling binuksan ng Quiapo Church sa Maynila ang Pahalik sa Itim na Poong Nazareno ngayong unang Biyernes ng buwan, Abril 1.

Maaari na muling mahawakan ng mga deboto ang imahen ng Poong Nazareno ngunit kailangan pa rin sumunod sa safety protocols kagaya na lamang ng pagdi-disinfect na kamay bago hawakan ang imahen.

Walang limit sa bilang ng mga debotong nais mahawakan ang imahen, ngunit may nakabantay na tauhan ng simbahan upang tiyaking masusunod ang safety protocols.

Matatandaang tinigil ng pamunuan ng Quiapo Church ang Pahalik sa Poong Nazareno mula noong 2020 upang maiwasan ang pagkalat coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Bukod dito, natigil din ang taunang Traslacion ng Itim na Nazareno.