Posibleng ipasuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong kung hindi na makontrol ang mga problemang dulot nito.

Ito ang isinapubliko ni Duterte nang dumalo ito sa campaign sortie ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) sa Lapu-Lapu City sa Cebu nitong Huwebes ng gabi.

Inilabas ni Duterte ang pahayag matapos mapansin na gumon na ang maraming Pinoy sa online cockfighting o e-sabong mula nang magsimula ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Aniya, hindi siya magdadalawang-isip na itigil ang operasyon ng e-sabong kung lalala ang mga usaping dulot nito.

“Just study if it is true or not. It’s getting to be a very serious problem for the Filipino.Pag-aralan muna natinthenkung totoo ‘yan, hintuin ko ‘yan kung ang problema ibigay lang," ani Duterte.

Nagpahayag din ng pagkalungkot ang punong ehekutibo dahil maraming pamilya ang naeengganyo ng nasabing online sabong, kabilang na ang mga pulis at menor de edad.

Gayunman, binanggit ni Duterte na hindi agaran ang pagpapahinto ng e-sabong dahil kumikita ang pamahalaan ng milyun-milyon mula sa gaming industry.

“Ange-sabong, gusto ng mgacongressmanna ipahinto. Sabi ko bakit ko ipahinto iyan.Ange-sabongis giving us P640 million a month. We are short of fundskaya sabi ko, ipatuloy iyan," ani Duterte.

Kamakailan, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng pagkawala ng 34 na sabungero at hiniling din kay Duterte na itigil na muna ang operasyon ng e-sabong hangga't hindi nalulutas ang kaso.

PNA