Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na laging handang magbigay ng serbisyo ang Metrobase Command Center ng ahensya para i-monitor at magbigay ng update sa lagay ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, nakikita ang sitwasyon ng daloy ng trapiko sa pamamagitan ng mga closed circuit television cameras at agad nareresolba ang problema sa tulong ng Traffic Discipline Office, Traffic Engineering Center, Flood Control and Sewerage Management Office, at iba pang concerned offices.
Maaaring tumawag sa Metrobase Hotline 136 para sa mabilis na pagresponde sa aksidente at para sa anumang mga katanungan tungkol sa mga batas trapiko, restriksyon sa pagbiyahe, road assistance/rescue, number coding scheme at marami pang iba.