Matinding binalaan muli ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Felipe R. Natividad na kakasuhan ang mga tiwaling pulis at iginiit na karapat-dapat nang tanggalin sa serbisyo ang mga abusado at sumisira lamang sa organisasyon ng Philippine National Police (PNP).

“All erring personnel will be meted with appropriate penalties if found guilty. Those who do not deserve to be in the service will be out. I will not hesitate to dismiss our personnel who are abusive and those tarnishing our organization,” pahayag ni MGen. Natividad sa isinagang Command Visit kasama ang iba pang miyembro ng NCRPO Command Group at Regional Staffs, sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Marso 31.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Mainit na tinanggap ang NCRPO at binigyan ng arrival honors ni Brigadier General Remus B. Medina, District Director ng QCPD na sinundan ng Command Conference sa Conference Room, Camp PMGEN Tomas B Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Nagprisinta ang Staffs ng kani-kanilang peace and order situation, administrative accomplishments at operational accomplishment reports ukol sa anti-illegal drug operations, pagkakaaresto ng most wanted persons, operasyon laban sa mga taong sangkot sa gambling, illegal firearms maging ng paghahanda sa seguridad para sa nalalapit na May 2022 National at Local Elections.

Sinabing muli ni MGen Natividad ang pagpapaalala nito sa lahat ng Police Commissioned Officers (PCOs) na magsilbing magandang ehemplo sa Junior PCOs at Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).

“Tayong mga PCOs must remind our personnel to avoid engaging or getting involved in illegal activities so we will not end up with what we do not want to happen. Remember, we are men in uniform, bigyan ninyo ng respeto ang ating uniporme. Magtrabaho tayo ng maayos at tama at laging ilagay sa puso ang disiplina," ayon pa kay NCRPO chief.