Nagsagawa ng house-to-house campaign ang aktres na si Marjorie Barretto para kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo kamakailan.
Ibinahagi ito ng aktres sa kanyang Instagram. "My family and I attended the Pasig rally more than a week ago. We had the best experience with fellow supporters of VP Leni. The energy really was different!"
Matatandaang dumalo ang kanyang pamilya sa Pasig sortie para suportahan ang Leni-Kiko tandem. Nagsilbing host doon ang kanyang anak na si Julia Barretto.
Kasama ni Marjorie sa pagbabahay-bahay ang mga volunteers, nais nilang makumbinsi ang mga tao na si Robredo ang pinaka-qualified na mamuno sa bansa.
"After the rally, I was energized to do more. There is a call and need to reach more people. This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country," aniya.
Sinabi rin niyang nag-enjoy siya sa ginawa niyang kampanya dahil bukas ang mga tao para makinig.
"I had fun because people were open to listening and conversations. Personal interaction really is the key because you get to explain why VP Leni is the right candidate for president," saad pa niya.
Hinihimok din niya ang kanyang mga followers na sumali sa kanila o 'di kaya'y magsagawa ng sariling house-to-house campaign para kay Robredo.
"I hope you can join us or you can do your own house-to-house and market runs. Magsama-sama tayo kumatok sa mga bahay-bahay at palengke, makipag usap sa mga botante at kumbinsihin sila na iboto si VP Leni. Let’s do this every day until May 9!" sey pa ng aktres.
May kalakip din itong hashtag na #TaoSaTaoParaKayRobredo.
Samantala, nagpasalamat sa kanya ang mga anak ni VP Leni na sina Aika, Tricia, at Jillian.
"Super thank you for doing this, Tita Marj!!" sey ni Aika.
"Thank you, Tita Marj!" saad naman ni Tricia."Thank you thank you tita marj!!!" ani Jillian.