Dream come true nga para sa online personality, host at aktres na si Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl matapos mabili ang kanyang kauna-unahang brand new car.

Kasama ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, ibinahagi ni Hipon Girl sa isang higit sampung minutong vlog sa YouTube ang naging pagpili ng kanyang bagong kotse sa isang automotive company sa Commonwealth sa Quezon City.

Ito ang kauna-unahang kotse ng online personality kaya’t nang matanggap ang susi ng sasakyan, hindi nito napigilang humagulgol sa tuwa.

“Sa tagal nang pinaghirapan ni Hipon, ngayon pa lang siya magkakaroon ng first own car niya kaya naiiyak siya,” paliwanag ni Wilbert matapos hindi na mapigilang maiyak nang malala ni Hipon Girl.

Human-Interest

Pasahero ng rider na nagmukhang si 'Sadness' ng Inside Out, kinaaliwan

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Hipon sa kanyang mga tagasuporta at sa kanyang manager na naging-daan ng mas maraming blessings para sa kanya.

Pangako naman ni Wilbert, pagsisikapan niyang lalo pang magningning ang karera ni Hipon sa industriya.