Binigyang-diin ng isang eksperto sa kalusugan noong Biyernes, Abril 1, ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga batang may kanser laban sa Covid-19, at muling ipinunto ang proteksyong inaalok ng mga bakuna sa mga batang immunocompromised.

Sa virtual forum na pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), sinabi ni Dr. Patricia Alcasabas, pinuno ng Pediatric Hematology-Oncology sa UP-Philippine General Hospital, na 5,200 batang Pilipino ang nagkakasakit ng cancer bawat taon, at binibigyan sila ng bakunang magpoprotekta sa kanilan laban sa viral disease.

“Sa simula’t simula pa lang po ng pandemic pinapakita na ang mga bata na may comorbidities ang unang natatamaan ng Covid,” ani Alacasabas.

“Ang mga bata pong may cancer, ang Covid po nila ay mas malala,” aniya habang idinagdag na ang mga nakaligtas sa kanser ay nasa panganib din para sa severe Covid-19.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Alcasabas na ang tiyempo ng pagbabakuna ay dapat munang talakayin sa mga oncologist at hematologist ng bata.

Inirerekomenda din niya ang pagbibigay ng ikatlong dosis ng bakuna sa mRNA sa mga batang may kanser. Parehong gumagamit ng mRNA ang Pfizer-BioNTech at ang Moderna Covid-19 vaccines.

Inirerekomenda din ang mga miyembro ng pamilya at malalapit na kasama na kumuha ng pangatlong dosis, ani Alcasabas.

“Bakit ang batang may cancer ay dapat talagang bigyan ng vaccination? Dahil sila po ay at risk for severe Covid and complications at napuputol po ang kanilang gamutan sa cancer at dahil dito, baka sila mag-relapse agad,” pagpupunto niya.

Gabriela Baron