Hindi sinibak sa posisyon si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Ito ang paglilinaw ngMalacañang nitong Biyernes kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo nito sa isang pagpupulong sa Cebu nitong Huwebes natinanggal na niya ang ilang Cabinet members nito dahil sa korapsyon.

Sa kanyang talumpati, hindi na binanggit ng Pangulo ang mga pangalan ng mga miyembro ng Gabinete nito na sangkot umano sa korapsyon sa"eclamation projects sa Manila Bay.

Ipinaliwanag naman ni acting presidential spokesman Martin Andanar, nagbitiw sa puwesto si Cimatu noong Pebrero dahil sa kanyang kalusugan at naging maganda naman umano ang pagsasama nila ng Pangulo matapos ang matagumpay na rehabilitasyon sa Boracay at Manila Bay.

"The Office of the Presidential Spokesperson... even released a statement wishing the former DENR Secretary good health," ayon sa pahayag ni Andanar.

"There is therefore no truth to the insinuation and/or rumor of his involvement in corruption," pahayag pa ng opisyal.

"When I became President, I heard reports of corruption," pahayag ng Pangulosa mga miyembro ng anti-insurgency task force sa Cebu nitong Huwebes.

"Si [Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them, for this to have happened.I’m not fond of announcing to the media pero about—in the process, I’ve fired 5 or 6 Cabinet members because of corruption," dagdag pa niya.

Matatandaang inaprubahan ng gobyerno ang apat na reclamation project sa Manila Bay noong 2019.