Ikinasa ng China ang pakikipagpulong ni President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Abril 8, ayon saMalacañang nitong Biyernes.
Kinumpirmani actingDeputy Spokesperson Kris Ablan na ang virtual meeting ay pinaghahandaan na ng Philippine government.
Isasagawa ang pagpupulong matapos magharap ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Beijing kaugnay ng insidente ng "dikitangpagmamani-obra" ng isang barko ng China sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Scarborough Shoal nitong nakaraang buwan.
Nilinaw naman ni Ablan na wala pang nakalatag na tatalakayin sa nakatakdang pagpupulong.
"Kung ano ang magiging issues at magiging matters na [idi-discuss] ng world leaders na ito, malalaman natin in the coming days," paglilinaw pa ni Ablan.