Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nasa loob ng sako na malapit sa isang tulay sa Ermita sa Maynila noong Huwebes, Marso 31.
Ayon kay Police Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) -- Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay.
Isang babaeng guwardiya ng isang kumpanya na malapit sa lugar ang nag-report sa mga awtoridad tungkol sa bangkay.
Sinabi ni Police Lt. Col. Dionelle Brannon, commander ng MPD-- Station 5, na posibleng apat hanggang limang araw nang patay ang biktima nang matagpuan.
Dinala ang bagkay sa Cruz Funeral Morgue