Kinasuhan na ng pulisya ang anak ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na si Kurt Matthew Teves dahil sa pambubugbog nito sa isang security guard ng BF Homes sa Las Piñas noong Marso 16.

Ayon kay Las Piñas Police chief Lt. Col. Jaime Santos, isinampa nila ang reklamo sa Las Piñas Office of the City Prosecutor nitong Miyerkules, Marso 30.

Paliwanag ni Santos, kabilang sa mga kasong kakaharapin ni Teves ay physical injuries, grave threat, at paglabag sa omnibus election code.

Matatandaang nag-viral ang footage ng panununtok at pagsipa ni Teves sa security guard na kinilalang si Jomar Pajares.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nauna nang pinag-isipan ng BFFederationna direktang magsampa ng reklamo laban kay Teves.

Kamakailan, inihayag ni BF Homes Federation of Homeowners Association, Inc. (BFFHAI) legal committee chairman Delfin Supapo na matapos ang insidente ay kaagad nilang tinulungan si Pajares na maisulong ang kaso laban sa dating Negros Oriental Provincial Board member.