Pinabulaanan ng Guinness World Record (GWR) ang post ng isang Facebook page ng supporters nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte tungkol sa pahayag nito na hawak umano ni Marcos Jr. ang "world's longest caravan."
Ipinost ng Facebook page na "Bbm-Sara Uniteam Headquarters Northern Luzon, Crown Legacy Hotel Baguio" ang nasabing pahayag noong Marso 26 na may kaakibat na mga larawan ng caravan sa Ilocos Norte at maging ang umano'y world record na may logo ng Guinness.
Nitong Marso 30, nag-komento ang Guinness World Record gamit ang kanilang verified Facebook account: "This information is incorrect."
Umani ng 87.8K reactions ang nasabing komento.
Kaugnay nito, sa opisyal na Twitter account ng Guinness niretweet nito ang isang account na nag-tweet ng "How@GWR responds to disinformation" na may kasamang screenshot ng nasabing komento ng Guinness.
"Not here to waste anyone's time," saad ng Guinness.
As of writing, trending topic sa Pilipinas ang Guinness na may 12.6K tweets dahil sa isyu.