Aabot na ngayon sa ₱12.90 trilyon ang utang ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Treasury (BTr) nitong Huwebes.

Sa pansariling utang ng bansa, aabot ito sa ₱8.41 trilyon o limang porsyento ang itinaas kumpara sa nakaraang buwan at tatlong porsyentong mataas kung ikukumpara sa December 2021 level nito.

Umabot naman sa ₱3.68 trilyon ang panlabas na utang ng bansa at mataas ng 0.5 porsyento kumpara sa naitala noong Enero.

Ang pagtaas panlabas na utang ng Pilipinas ay bunsod ng epekto ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar, gayunman, tinapatan ito ng paggalaw ng halaga ng foreign currencies.

Noong 2021, umabot na sa ₱11.73 ang utang ng bansa.

Gayunman, ipinaliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi dapat ikabahala ang bahagyang paglobo ng utang ng Pilipinas dahil mahabang panahon naman umano itong binabayaran at mababa pa ang interest.

Naging mataas din aniya ang utang ng bansa sa mga nakaraang taon dahil na rin sa paglaban ng pamahalaan sa pandemya ng coronavirus disease 2019.