Marami ang nalungkot sa latest tweet ni ABS-CBN News Channel o ANC anchor-journalist na si Christian Esguerra noong Marso 30, kung saan sinabi niyang huling episode na ng kaniyang programang 'After The Fact' dahil sa 'political climate'.

"No thanks to the prevailing political climate, tonight will be the FINAL episode of #ANCAfterTheFact," saad ni Christian sa kaniyang tweet.

"Thanks for watching. It’s been an honor," aniya.

Nagpaalam na rin siya sa ANC.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Screengrab mula sa Twitter/Christian Esguerra

Screengrab mula sa Twitter/Christian Esguerra

Tuloy pa rin ang pagbibigay ng 'no holds barred' na pagbibigay ng mga 'facts' lalo na't malapit na ang eleksyon. Ipagpapatuloy niya ang ginagawa sa kaniyang mga sariling platforms gaya ng Spotify at YouTube channel. Tatawagin itong 'Facts First'.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at espekulasyon mula sa mga netizen, lalo't kilala si Christian bilang isa sa mga matatapang na journalist ng ANC.

"Management told Christian to stop what he's doing cause he's stepping on some toes and ruffling some feathers and management is getting complaints and they're getting nervous."

"Can we safely say that ABS-CBN is bowing down to this 'party' for the sake of franchise?"

"Balik ka sa ABS pag ok na lahat. You 're a big loss to them. Idol ko po kayo same with Mike navallo, Chiarra Sambrano and Kevin Manalo. Sa totoo lang ang gagaling ng young breed of journalist ng ABS and kasama kayong apat diyan. Sana wag sumama loob mo sa ABS. Good luck."

Samantala, sinagot naman ni Christian sa isa pang tweet na "Di tayo pwede sa mga celebrity sugod-bahay and clout-chasing interviews."

Screengrab mula sa Twitter/Christian Esguerra

Wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs tungkol dito.