Respeto na lamang daw sa magkakaibigang pananaw sa politika ng kapwa ang sagot ni Aga Muhlach nang mauntag siya ni Cristy Fermin kung anong sey niya sa cancel culture na nararanasan ng mga celebrity na nagpapahayag ng pagsuporta sa isang partikular na kandidato o partido.

Guest si Aga sa radio program/digital show na 'Cristy Ferminute' noong Marso 29 para i-promote ang 'Masked Singer' bilang isa sa mga detective judge.

Giit ni Aga, lahat daw ng mga tao ay may iba-ibang pananaw sa buhay. Iyon daw ang isa sa mga sinusundang prinsipyo sa buhay ng matinee idol.

“It difficult really nowadays na lahat ng boses naririnig natin na minsan hindi na natin alam kung sino ang tama at kung sino ang mali. Ngayon sa akin indibidwal sa pagkatao ko, pipiliin ko ‘yung nakikita kong tama na gawin not necessarily sa politics ‘no, kundi sa buhay," wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Gawin lang natin kung ano ‘yung kaya nating gawin, kung ano ‘yung dapat nating gawin para sa ikauunlad unang-una ng buhay nating lahat at ng mga mahal natin sa buhay tulad ng pamilya natin."

"Pagdating sa politika naman, wala na tayong magagawa, eh, ibig kong sabihin kung may kakampi ‘yung isa hindi mo na masu-sway ‘yan. Pag may kakampi rin ‘yung isa, para saan pa para tayo makipaglaban. Para sa akin lang, ayaw ko na kasi itong makadagdag ng gulo sa mundong ito o sa bayang ito."

"So, ‘yung sinasabing cancel culture hindi ko na lang iniintindi ‘yan kasi sa akin I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy and pagdating sa mga gulo-gulo, ayaw ko talagang sumali.

"Galangan lang, kung may pink tayo hayaan natin, kung pula, hayaan natin ang pula, kung may asul, hayaan natin ang asul. Ang hirap na ng sitwasyon ng bansa natin, I think it’s very important at the end of the day let us not all forget to really love one another."

Samantala, dahil nakapulang polo short si Aga ay nauntag siya ni Cristy kung 'pulahan' ba siya o tagasuporta ni presidential candidate Bongbong Marcos, Jr.

Natatawang dumepensa naman si Aga at sinabi niyang maglalaro kasi siya ng golf pagkatapos ng panayam.

Bukod sa pagiging judge sa reality show sa TV5, may game show siya sa NET 25 na 'Tara Game Agad Agad' at 'Bida Kayo kay Aga.'