Sa cryptic social media post na inilabas ng Kapamilya comedian na si Eric Nicolas hinggil sa 'walang masamang tinapay sa kaniyang trabaho', isa sa mga nagkomento rito ang showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Marami kasi sa mga netizen ang nagbigay ng kahulugan na raket o may talent fee ang pagsali ni Eric sa UniTeam sortie. Sa isang Facebook post na ibinahagi rin niya sa Instagram, mababasa ang pahayag na 'Walang masamang tinapay para sa akin… trabaho po para mapakain ang pamilya ko. Minsan lang 'to at 'di na ako bumabata. Mabuhay ang lahat."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/31/eric-nicolas-raket-lang-daw-pangangampanya-sa-uniteam-kahit-si-hudas-iboboto-ko/">https://balita.net.ph/2022/03/31/eric-nicolas-raket-lang-daw-pangangampanya-sa-uniteam-kahit-si-hudas-iboboto-ko/

Ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay ang pagpayag nga na sumama sa UniTeam campaign rallies para i-endorso ang mga kandidatong kabilang sa partido, na pinangungunahan nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinagot din niya ang isang netizen na para daw sa pamilya, gagawin niya ang lahat, maski na iboto pa si Hudas. Si Hudas ang isa sa mga 12 alagad ni Heuskristo. Siya ang nagkanulo sa kaniya sa mga umuusig dito.

"Mahigpit po ang pangangailangan ko. Kahit si Hudas iboboto ko 'wag lang magutom ang pamilya ko," aniya.

Para kay Ogie, na isa sa mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem, naiintindihan daw niya ang pinanggagalingan ng komedyante. Natutuwa raw siya sa pagiging tapat nito.

"It’s okay, Eric. I personally understand that. Wa echos. And I love you for being true and honest,” saad ng showbiz columnist.

Pero ang pinag-aalala raw niya, paano raw ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa na nangakong magpapaputol ng mga paa kapag may mga taga-showbiz na bayad sa kanilang pagsama-sama sa UniTeam sortie?

“Nag-aalala lang ako kay Elizabeth Oropesa. Sana 'wag na niyang ituloy ang pagpapaputol ng paa niya.”

Matatandaang sinabi ni La Oropesa na mas mabuti nang gumapang kung totoo ang mga alegasyong 'bayad' daw ang mga artistang nagpapahayag at nagpapakita ng pagsuporta sa kandidatura ni presidential candidate at dating senador na si Bongbong Marcos o BBM.

Handa umano siyang magpaputol ng paa at gumapang na lang kung totoo man daw ito.

"Ipapuputol ko yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM…" ayon sa pahayag ni La Oro.

"Natutuwa ako para doon sa mga artistang kinukuha nila kasi sigurado ako may TF (talent fee) 'yan. Eh sa atin (kampo ng UniTeam) walang TF."

"Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama," aniya pa.

Masugid na tagasuporta ni BBM si Elizabeth na ipinahayag pa niya noon pa mang maingay na ang pagtakbo ni BBM sa pampanguluhan.

Napa-react ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa pahayag ng premyadong aktres na si Elizabeth 'La Oro' Oropesa na ipapuputol nito ang mga paa niya at gagapang na lang siya, kung sakaling totoo ang mga alegasyong binabayaran umano ang mga artistang nagpapahayag ng pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos o BBM.

"Ipapuputol ko yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM…" ayon sa pahayag ni La Oro.

"Natutuwa ako para doon sa mga artistang kinukuha nila kasi sigurado ako may TF (talent fee) 'yan. Eh sa atin (kampo ng UniTeam) walang TF."

"Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/la-oro-handang-magpaputol-ng-mga-paa-kung-bayad-mga-artistang-bbm-supporters-gagapang-na-lang-ako/">https://balita.net.ph/2022/03/26/la-oro-handang-magpaputol-ng-mga-paa-kung-bayad-mga-artistang-bbm-supporters-gagapang-na-lang-ako/

Masugid na tagasuporta ni BBM si Elizabeth na ipinahayag pa niya noon pa mang maingay na ang pagtakbo ni BBM sa pampanguluhan.

Ibinahagi naman ni Ogie sa kaniyang opisyal na Facebook account ang art card ng pahayag ni La Oro, na ibinalita naman ng isang news outlet. Hindi niya napigilang mapa-react dito.

"Sige po, pakigalaw na po ang itak," ayon kay Ogie nitong Marso 25.

Hinamon naman niya ang aktres na maglabas ng resibo o katibayan kung may talent fee ba talaga ang mga artistang nasa kampo naman ng Leni-Kiko tandem.

"Pero since kayo yung accuser, patunayan n'yo. Aware naman kayo na uso ang resibo ngayon, maglabas kayo ng ebidensiya.

Elizabeth Oropesa ka, hindi ka si Marites."

Sa kaniyang tweet naman, mukhang may ibang ipapaputol si Ogie kapag pinaputol nga ni La Oro ang kaniyang mga paa.

"Sabi ni Elizabeth Oropesa, ipapaputol niya ang dalawa niyang paa kung di siya nagsasabi ng totoo na bayad ang mga performers sa Leni-Kiko rally," aniya.

"Ako, papaputol ko ang notes ko kung totoong ipapaputol niya ang mga paa niya."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/ogie-kay-la-oro-ako-papaputol-ko-ang-notes-ko-kung-totoong-ipapaputol-niya-ang-mga-paa-niya/">https://balita.net.ph/2022/03/26/ogie-kay-la-oro-ako-papaputol-ko-ang-notes-ko-kung-totoong-ipapaputol-niya-ang-mga-paa-niya/

Wala pang tugon o pahayag si La Oro tungkol sa reaksyon na ito ni Ogie.