Hinikayat ng independent presidential hopeful na si Senator Panfilo "Ping" Lacson ang lahat ng mga botanteng Pilipino na ibasura ang "survey mentality" sa pagboto at sa halip ay pumili ng mga kandidato na sa tingin nila ay pinaka-competent at kwalipikadong mamuno sa bansa.

Ginawa niya ang panawagan ito dahi aniya, maraming boto ang nasasayang dahil sa hindi pagboto sa taong may kakayahan at karapat-dapat ngunit nahuhuli sa mga survey.

Binanggit ni Lacson ang impormasyon na nakarating sa kanya na nagsasaad ng mga kamakailang survey na nagpapakita na mayroon lamang siyang dalawang porsiyentong "hard votes," mayroon siyang average na 40% "soft votes," kung saan siya ay isinasaalang-alang ng maraming botante na nag-aalangan na bumoto para sa kanya dahil siya ay hindi nangunguna sa mga survey.

"Based sa feedback na nakukuha namin sa Luzon, Visayas and Mindanao, ganoon ang sinasabi. Gusto namin ang Lacson-Sotto tandem. Sila ang competent, qualified at may kakayahan. Gusto namin sana sila iboto," sabi ni Lacson pagkatapos ng courtesy call kay Mayor Isabelle "Beng" Climaco-Salazar sa Zamboanga City nitong Miyerkules.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Dapat aniyang matutong magdesisyon ang mga Pilipino para sa kanilang sarili sa halip na magpadala sa resulta ng survey o bandwagon mentality.

"Kung pipili tayo, dapat karapat-dapat. Hindi ang palagay ng marami ay mananalo. After all, lalong sayang ang boto ninyo kung ang pipiliin nyo ang alam ninyong hindi karapat-dapat dahil alam nyo lang yan ang mananalo. Hindi ba mas sayang ang botong ganoon?" Idinagdag niya.

Matatandaan na nauna nang iginiit ni Lacson na ang mga survey ay hindi halalan, na siya namang magtatakda kung sino ang maluluklok bilang pangulo.

BASAHIN: Ping Lacson, dedma sa resulta ng survey: ‘Surveys are not elections'

“Surveys are not elections. Last time I heard, election is on May 9. I’m not bothered at all simply because the numbers I feel on the ground are different from what the surveys indicate,” pahayag ni Lacson.

Gayunman, sinabi ni Lacson na naguguluhan siya kung bakit mababa pa rin ang kanyang bilang sa mga survey sa kabila ng mahusay na pagganap sa mga presidential forum at mga panayam.

Aniya, “After the presidential interviews and forums, I thought I should gain instead of losing support. Having said all that, I will continue this fight all the way to Election Day.”