Usap-usapan ngayon ang social media post ng komedyanteng si Eric Nicolas matapos niyang ipahiwatig na walang masama sa kaniyang ginagawa at trabaho lang.

Marami kasi sa mga netizen ang nagtataas ng kilay kung bakit siya pumanig sa UniTeam at sumasama sa mga kampanya.

Sa isang Facebook post na ibinahagi rin niya sa Instagram, mababasa ang pahayag na 'Walang masamang tinapay para sa akin… trabaho po para mapakain ang pamilya ko. Minsan lang 'to at 'di na ako bumabata. Mabuhay ang lahat'.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa FB/IG/Eric Nicolas

Ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay ang pagpayag nga na sumama sa UniTeam campaign rallies para i-endorso ang mga kandidatong kabilang sa partido, na pinangungunahan nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinagot din niya ang isang netizen na para daw sa pamilya, gagawin niya ang lahat, maski na iboto pa si Hudas. Si Hudas ang isa sa mga 12 alagad ni Heuskristo. Siya ang nagkanulo sa kaniya sa mga umuusig dito.

"Mahigpit po ang pangangailangan ko. Kahit si Hudas iboboto ko 'wag lang magutom ang pamilya ko," aniya.

Screengrab mula sa FB/Eric Nicolas

Isa naman sa mga sumagot dito ay ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na isang certified Kakampink.

“It’s okay, Eric. I personally understand that. Wa echos. And I love you for being true and honest,” saad ng showbiz columnist. Pero ang concern daw niya, paano raw si Elizabeth Oropesa na nangakong magpapaputol ng mga paa kapag may mga taga-showbiz na bayad sa kanilang pagsama-sama sa UniTeam sortie?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/la-oro-handang-magpaputol-ng-mga-paa-kung-bayad-mga-artistang-bbm-supporters-gagapang-na-lang-ako/">https://balita.net.ph/2022/03/26/la-oro-handang-magpaputol-ng-mga-paa-kung-bayad-mga-artistang-bbm-supporters-gagapang-na-lang-ako/

“Nag-aalala lang ako kay Elizabeth Oropesa. Sana 'wag na niyang ituloy ang pagpapaputol ng paa niya.”

Si Ogie, iba naman ang ipapuputol niya kapag napatunayan niyang hindi totoo ang sey ni La Oro.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/ogie-kay-la-oro-ako-papaputol-ko-ang-notes-ko-kung-totoong-ipapaputol-niya-ang-mga-paa-niya/">https://balita.net.ph/2022/03/26/ogie-kay-la-oro-ako-papaputol-ko-ang-notes-ko-kung-totoong-ipapaputol-niya-ang-mga-paa-niya/

Umani rin ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing resibo o patunay umano ito na bayad ang ilan sa mga personalidad na nagpupunta sa sortie, dahil kailangan nila ng raket.

"Ok lang 'yan Sir Eric. Para sa mga entertainer may mga talent fee talaga. Hindi na bago 'to, yung mga artista dati pa sa mga campaign may bayad talaga. Yung iba dito gusto lang mang-cancel, tigilan n'yo 'yan, may kanya-kanya tayong desisyon sa buhay, rumespeto na lang, hindi lahat ng gusto mo gusto ng iba at vice-versa."

"Honesty is the best in the world. At trabaho pa rin 'yan para sa pamilya at choice mo sino iboboto."

"Ito yung totoo na nagsasabi at nagpapahiwatig na bayad talaga at least di nag-deny na hindi bayad. Yung iba to the highest yung deny na walang bayad daw sila kahit meron naman. Support na lang natin yung gsto natin saka respeto sa kanila."

"The amount of money they have paid you will only last for few months, but once they rule the country everyone will suffer for years or even uncountable years-including you. Dapat sa mga Pilipino, manindigan para makawala tayo sa mga manggagamit at ang tingin sa maliliit na tao ay bayaran at alipin."

"OK lang yan Sir kahit Beybi M ka, Leni naman kami walang problema. Ang importante Leni ako! hahaha."

Samantala, burado na umano ang FB post ni Eric bagama't makikita pa rin ito sa IG niya. Isang netizen naman ang nagtanong kung bakit binura niya ang post.

"Ayaw kong nagtatalo-talo mga tao doon... daming hindi nagkakaintindihan at nasisira dahil sa pulitika," aniya.

Screengrab mula sa FB/Eric Nicolas