Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng "Dakila Ka, Bayani Ka" sa isang political video na walang "pahintulot sa kompositor at mga umawit ng kanta."

Screenshot of the video posted at Martin DV Facebook page

“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” anang DepEd sa isang panayam na inilabas ngOffice of the Undersecretary for Administration (OUA)na pinangungunahan ni USec. Alain Pascua nitong Huwebes, Marso 31.

Ang video ay nakapostsahttps://www.facebook.com/watch/?v=654132682307732&extid=CL-UNK-UNK-UNK-AN_GK0T-GK1C&ref=sharing

Batay sa credits, ang"Dakila Ka, Bayani Ka" ay isinagawa ng Nueva Ecija Doctors for Leni for Free bilang suporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo para sa May 2022 elections. Ito ay prinoduce ng Robredo People's Council Hopeat Beyond Nueva Ecija.

Ayon kay Pascua ang"Dakila Ka, Bayani Ka" na ipinost sa" target="_blank">ay gawa ni Arnie Mendarosat inarrangeni Albert Tamayo.

Ito, aniya, ay isang tribute song sa Covid-19 frontliners "na nagsakripisyo ng kanilang kaligtasan at matapang na ginampanan ang kanilang tungkulin sa gitna ng public health crisis."

Ang sabing proyekto ay pinangunahan ni Pascua noong nagsimula ang pandemya upang magbigay ng suporta sa lahat ng frontliners.

Lumahok din si Education Secretary Leonor Briones sa pag-record ng kanya kasama sina Martin Nievera, Michael V., Carol Banawa, TJ Monterde, Sassa Dagdag, at iba pang mga artista.

Bukod sa walang approval ang paggamit ng kanta sinabi rin niya Pascua na ang DepEd ay“taking offense that a mellow song about heroism was used to forward political messages of one party when it is clearly meant for all Covid-19 responders, regardless of political affiliations.”

Ayon kay Pascua na binibigyang-diin ng kanta -“Anuman ang kulay nila, anuman ang paniniwala, nagkakaisa sa pagtulong sa kaligtasan ng iba” - ay upang kilalanin ang pag-set aside ng political color at partisanship sa kanilang serbisyo sa mga tao.

“That message and recognition was sadly and unfortunately bastardized by this political rendition,” aniya.

Nakatakdang humingi ng legal action ang DepEd dahil sa “negligence from the erring production team as we remind the public to keep non-political materials away from the messy side of the election campaign season.”

Hinimok din ng DepEd ang mga tao sa likod ng video: stop sharing and to take down their post before we even ask Facebook to remove it.”