Nalungkot ang mga tagahanga ng retired American actor na si Bruce Willis nang ibalita ng kanilang panganay na anak ni Demi Moore na si Rumer Willis, na may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan ang kaniyang ama.

"To Bruce’s amazing supporters, as a family we wanted to share that our beloved Bruce has been experiencing some health issues and has recently been diagnosed with aphasia, which is impacting his cognitive abilities. As a result of this and with much consideration Bruce is stepping away from the career that has meant so much to him," ayon sa Instagram post ni Rumer.

"This is a really challenging time for our family and we are so appreciative of your continued love, compassion and support. We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him."

"As Bruce always says, “Live it up” and together we plan to do just that."

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

"Love,"

"Emma, Demi, Rumer, Scout, Tallulah, Mabel, & Evelyn"

Bruce Willis (Screengrab mula sa IG/Rumer Willis)

Ibinahagi rin ito sa social media ng kabiyak ni Bruce na si Demi.

Ayon sa John Hopkins Medicine, ang aphasia ay "language disorder caused by damage in a specific area of the brain that controls language expression and comprehension. Aphasia leaves a person unable to communicate effectively with others."

Napipinsala sa kondisyong ito ang language-dominant side ng utak ng isang tao, dahil sa stroke, head injury, brain tumor

infection, o dementia.

Nagsimula ang showbiz career ni Willis sa 'Off-Broadway stage' noong 1970s. Siya ang naging bida sa comedy-drama series na 'Moonlighting' (1985–1989), at dito na nagsimula ang kaniyang paggawa ng iba pang pelikula gaya ng 'The Last Boy Scout' (1991), 'Pulp Fiction' (1994), '12 Monkeys' (1995), 'Last Man Standing' (1996), 'The Fifth Element' (1997), 'Armageddon' (1998), 'The Sixth Sense' (1999), 'Hart's War' (2002), 'Tears of the Sun' (2003), 'Hostage' (2005), 'Lucky Number Slevin' (2006), 'Surrogates' (2009), 'Moonrise Kingdom' (2012), 'Rock the Kasbah' (2015) at 'Motherless Brooklyn' (2019).

Nakatanggap din siya ng mga parangal mula sa Golden Globe Award, Primetime Emmy Awards, at People's Choice Awards. May sarili na rin siyang spot sa Hollywood Walk of Fame noong 2006.

Ikinasal sila ni Demi Moore noong 1987, at nagkaroon sila ng tatlong supling na sina Rumer, Scout, at Tallulah, subalit sila ay nagkahiwalay na sa pamamagitan ng diborsyo noong 2000. Noong 2004, naghiwalay sila ng kaniyang fiancee na si Brooke Burns. Nakilala naman niya ang modelong si Emma Heming at ikinasal sila noong 2009.