Aabot sa 114 couples na residente ng lungsod ang sabay-sabay na ikinasal sa isinagawang mass wedding o Kasalang Bayan ng Las Piñas City government nitong Huwebes, Marso 31.

Dakong 7:00 ng umaga nang simulan ng lokal na pamahalaan ang seremonya ng kasal sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona 3.

Sa pamumuno nina Mayor Mel Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar, katuwang ang City Social Welfare and Development Office ay matagumpay na naisakatuparan ang programang ito. 

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng libreng ng singsing, cake at food packs para sa mga bagong kasal habang tumanggap din sila ng gift package mula naman alkalde at bise-alkalde ng lungsod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang kasalang bayan ay personal na dinaluhan ni Vice Mayor Aguilar bilang panauhing pandangal at saksi sa pag-iisang dibdib ng 114 couples sa pangangasiwa naman ni Solemnizing Officer Rev. Rommel A. Rana.

Malugod na binabati ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ang lahat ng kaisa sa napaka-importanteng kaganapang ito sa kanilang buhay.