Viral ngayon sa social media ang pagsagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang takdang-aralin ng second year public administration student tungkol sa partisipasyon ng publiko sa planning process ng mga lokal na pamahalaan.

Sa isang tweet, nakiusap ang estudyante na pansinin ito ni Vico kapag nasa Mamerto District, Rosario na ang alkalde upang hingiin ang opinyon nito para sa kanilang pangkatang-gawain.

"Mayor @VicoSotto, pansinin niyo po ako mamaya 'pag nasa Mamerto na po kayo dito sa Rosario. Hehe. May itatanong lang po ako about planning process ng LGU (local government unit). For group assignment lang," tweet ng estudyante.

Nag-reply naman si Vico na naka-upload ang larawan ng isang pahina ng notebook na naglalaman ng sagot nito sa tanong na "How the public can best participate in the planning process of LGUs?"

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

https://twitter.com/VicoSotto/status/1508737072466595843

Ani Vico, napasulat tuloy siya habang caucus siya o nasa pulong ng mga tagasuporta o miyembro ng isang partikular na partido o kilusang pampulitika.

Sagot naman ni Vico sa tanong, "Ordinary citizens should take advantage of the mechanisms for participation that the government has to offer."

Humingi pa ang alkalde ng paumanhin sa penmanship nito.

"Pasensya na sa handwriting ko hehe."