May 'gentle reminder' ang Kapamilya singer na si 'RNB Queen' Kyla, sa lahat ng mga netizen na aktibo sa pagbibigay ng reaksyon at komento sa social media, batay sa mga nababasa nila.

Sa panahon daw kasi ngayon na halos lahat ay puwedeng gumawa ng mga babasahin o online articles, marami nang nagkalat na mga pekeng balita, detalye, o impormasyon. Kaya nararapat daw na maging vigilante o mapagmatyag. Huwag daw munang kumuda kung wala pang alam sa isang paksa. Manaliksik o magsiyasat muna tungkol dito, at tiyaking reliable o mapagkakatiwalaan ang sources.

Ayon sa kaniyang tweet noong Marso 26, 2022, "Do your research and see if things are true before you react."

"There’s a lot of fake news out there. Just please be vigilant," aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Minsan lang daw siya mag-tweet pero maraming sapul.

"Yung problema di na sila naniniwala sa facts parang may sarili na silang pinaniniwalaan, pati nga libro mali nar in para sa kanila eh."

"Prob is kahit mag-research sila ayaw nila maniwala mas prefer nila disinformation…"

"Yes Ate Kyla! Masyado na tayong nako-control ng fake news. Dapat talaga sa atin na magsimula yung movement na tinatawag."

"Minsan lang mag-tweet pero andaming sapol. It all goes way for all situations, all camps."

"Isa lang ang Facts para sa nakakarami, BASTA DILAWAN SALOT! 'Yan ang facts."

"Speaking by experience?"

"Coming from you, Kyla?"

Samantala, nag-react naman siya sa mga nanoplak sa kaniyang tweet, at nagsabing 'BBM pa rin idol!'

"That’s ok. No need to disrespect anybody just because we have different opinions and choices. God Bless," aniya sa panibagong tweet.

Screengrab mula sa Twitter/Kyla

Si Kyla ay isa sa mga celebrity na certified Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.