Nagkasundo na sina Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at Pinoy pole vaulter athlete EJ Obiena nitong Miyerkules.
Ito ang isinapubliko ng Philippines Sports Commission (PSC) na nagsabing ipinasya nina Obiena, Juico at mga opisyal ng PATAFA na magpatawaran at "kalimutan na ang kanilang iringan" at mag-move on.
Ito na ang ikalimang pagkakataon ng PSC na mamagitan sa iringan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng virtual setup.
"The Philippine Sports Commission-led mediation proceedings on the athletics row reached its fifth session today. It is with much joy that we announce that both parties have agreed to a settlement and the proceedings ended successfully.PSC chairman William Ramirez who served as the sole mediator in the proceedings expressed his happiness that the first-ever sport mediation conducted by the PSC successfully assisted both parties to arrive at a settlement," ayon sa pahayag ng PSC.
Gayunman, hindi na isinapubliko pa ng PSC ang iba pang impormasyon kaugnay ng pagkakasundo ng mga ito.
Nag-ugat ang usapin nang paratanganng grupo ni Juico si Obiena na "hindi nito binabayaran" ang kanyang dayuhang coach, bukod pa sa pagsusumite umano ng palsipikadong financial statement sa PATAFA noong Nobyembre 2021.