Bentang-benta sa mga netizen ang isang misis na online seller matapos nitong idaan sa live selling ang pagkaimbyerna sa mister na nangaliwa at ‘sumakabilang-bahay’, habang may ‘hugot’ naman siya sa bawat item na itinitinda niya.

Marami sa mga gamit na ibinebenta ni Jamille Margarita Galvez ay mga branded at talaga namang hindi basta-basta ang presyo, lalo na sa mga damit at sapatos.

Makikita sa kaniyang Facebook post ang mga hugot niya sa kaniyang mga paninda, na nagpapaalala umano sa panloloko ng kaniyang dating mister.

“MGA GAMIT NG SUMAKABILANG BAHAY NA ASAWA LIVE SELLING,” saad ni Galvez sa kaniyang FB post.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“CAUTION: BUY AT YOUR OWN RISK, MAY SUMPA TO SIGURADO MAGIGING BABAERO YUNG BF O ASAWA N’YO! HAHAHA.”

“Unang suot fuccboi agad! May bonus pang pagiging sugalero!”

“Super MURA na lang, kasi di naman marunong magMAHAL Yung may-ari.”

“Lahat ng items MATINO pa, yung may-ari lang yung hindi.”

“ORIG lahat ‘to walang fake, di naman ako MANLOLOKO gaya nung may-ari.”

“Walang LASPAG dito, yung kabit lang niya yerrnn.”

“Wag magMINE kung di mo kaya panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko.”

“RFS: Baboy yung nagsuot.”

“BAWAS BASURA SA BAHAY!”

“Ganito pag business minded yung asawang niloko!”

“Next time, pati kabit mo bebenta ko! Online seller ang asawa mo dzai!”

“Last words para sa asawa kong sumakabilang-kipay, ikaw nga pala yung walang sayang.”

“Sa lahat ng asawa jan na sumakabilang bahay nadin ung asawa nila, support naman by sharing this! HAHAHA

1st batch muna ‘to,” aniya.

Dahil pumatok ang kaniyang live selling, mukhang itutuloy-tuloy na niya ito. Naurirat din siya kung ano raw ba ang dahilan ng ‘pagsasakabilang-ki*pay’ ng kaniyang mister. Isa ngayong single momshie si Galvez na may tatlong anak.

“Ayoko na rin po magtanong nang paulit-ulit na BAKIT. Baka masiraan lang ako ng ulo kakaisip. Kay Lord na lang natin i-surrender ang lahat. Hindi tayo papabayaan ni God,” aniya.

Sa isa pang FB post, sinabi niya na “Kidding aside, life is short. Pilitin nating wag na magpakastress at depress sa taong hindi na tayo pinapahalagahan. Papangit lang tayo. Let us choose to be happy kahit sa ngayon napakahirap gawin. Goodnight sa lahat except sa asawa kong sumakabilang-bahay at kabit.”

Dagdag pa niya, “Naniniwala ako sa kasabihang, daig ng malandi ang maganda. HAHAHAHA AND I THANK YOU!”

Si Galvez ay may-ari ng negosyong ‘Gael & Gajin Hardware and Construction Supply’ at iba pang mga negosyo sa Gapan, Nueva Ecija.