Nagsama-sama ang ilang kilalang Star Music artists para sa isang election anthem higit isang buwan bago ang botohan sa Mayo.

Mensahe ng pag-asa sa pamamagitan ng matalinong pagboto sa darating na halalan ang sentro ng kantang “Pag-isipan Mo ang Boto Mo” na inilabas ng ABS-CBN Star Music nitong Miyerkules, Marso 30.

Pinangunahan ng multi-awarded OPM artist na si Jona ang bagong kampanyang ito ng ABS-CBN. Bitbit ng kanta ang mensaheng sana'y piliin ng sambayanang Pilipino ang "tapat at dapat" na pinuno na may malinis na hangarin para sa ikauunlad ng bansa.

Kasama ng Fearless Diva ang KDLex na binubuo nina ex Pinoy Big Brother housemates Alexa Ilacad at KD Estrada, Anji Salvacion, TNT Boys, Angela Ken, Anton Cruz FANA, iDolls, Lara Maigur JMKO at Tawag ng Tanghalan champions Janine Berdin, JM Yosures ar Reiven Umali.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Mapapakinggan ang kanta sa iba’t ibang streaming platforms.

Inilabas na rin ng ABS-CBN ang music video ng kanta nitong Miyerkules ng gabi.