Tila tuloy na tuloy na nga ang paglipat ni Idol Philippines champion Zephanie Dimaranan sa GMA Network matapos ang higit dalawang taong pamamalagi sa ABS-CBN.

Una nang umugong ang usap-usapan ng paglipat ng teen idol noong unang linggo ng Marso. Ilang Kapuso support pages pa ang naglabas ng anunsyong mapapanuod na si Zephanie sa musical variety show ng GMA na “All Out Sunday.”

Sa isang Facebook teaser ng Sparkle GMA Artist Center, gabi ng Miyerkules, hindi pa man hayagang kinumpirma ngunit ilang pahiwatig ang mapapansing si Zeph nga ang tinutukoy na bagong dagdag sa mga artist ng network.

“Tomorrow is another ✨SPARKLING✨ day! Zee you 😉” saad ng artist center.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kinumpirma rin ito ng Kapuso support page na “Kapuso Netizens” at sinabing unang mapapanuod ang singing champ sa "All Out Sunday sa darating na Linggo, Abril 2.

“Abangan ngayong Sunday si Zephanie sa All-Out Sundays,” saad nito sa isang Facebook post nitong Miyerkules.

Mababasa rin ang kasalukuyang management ni Zephanie na Cornerstone sa ibabang bahagi ng anunsyo.

Agad namang bumuhos ang pagbati sa sikat na singer.

“Congrats idol Zephanie welcome sa Kapuso network. Good luck on your new journey. We are so happy and proud of you😍😘,” saad ng isang Kapuso fan.

“So this is it. Welcome to Sparkle GMA Artist Center Ms. Zephanie! God bless you always! Zee you Kapuso 💖💖💖

“Congrats Zeph! Proud of you.”

Umaasa na rin ang ilang Kapuso fans sa collaboration ni Zephanie sa ilang Kapuso artists kabilang na ni The Clash Season 1 grand winner na si Golden Canedo.

Golden and Zephanie naman GMA. ‘Yan ang petition namin, Miss na namin si Baby Girl Golden.”

“Hope someday, matuloy ang collaboration nila ng Golden namin.💛💚

Matatandaang taong 2019 nang itanghal na Idol Philippines si Zephanie. Bumulusok ang kanyang karera matapos maging regular sa programang ASAP Natin ‘To at maging boses ng ilang theme songs sa ilang Kapamilya serye.

Matapos mawala sa ere ng ABS-CBN Network noong 2020, naging madalang ang paglabas ni Zephanie sa telebisyon.

Muli namang pinahanga ng teen idol ang sambayanang Pilipino matapos maging kinatawan ng bansa sa Now United Bootcamp noong 2021 kung saan nakasama niya ang 17 iba pang young talented artists mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Napanuod din saglit si Zephanie sa programang Sunday Noontime Live ng TV-5. Nang matigil ito, muling nagbalik ang teen star sa ASAP at naging isa sa mga orihinal na miyembro ng New Gen Divas.

Basahin: Teen idol Zephanie Dimaranan, lilipat na raw sa Kapuso Network? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang panayam noong nakaraang taon, sinabi nitong masaya siya sa mga oportunidad na natatanggap ng kanyang karera sa showbiz.

“I still can’t believe that I’m now two years in the business. Up until now, I still feel the same way, kung paano po ako nag-start, na talagang I’m trying my best to improve every day. And sobrang happy po ako, sa mga na-re-receive na opportunities from my management Cornerstone and ABS-CBN,” ani Zephanie.

Ayon sa isang network support page, ipakikilala si Zephanie bilang ganap na Kapuso, bukas, Huwebes, Marso 31, na mapapanuod via Facebook broadcast ng Sparkle GMA Artist Center.