Sinabi ng Department of Health (DOH) na mahigit 3,000 indibidwal pa rin ang nananatili sa mga evacuation center kasunod ng pag-a-alburoto kamakailan ng Taal Volcano.

“Base sa datos ng DOH nitong March 29, mayroong higit 1,000 pamilya o higit 3,800 na indibidwal ang naapektuhan sa Calabarzon,” sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III sa programang “Talk to the People” ni Pangulong Duterte na ipinalabas noong Martes, Marso 29.

“Sa bilang na ito ay, mayroon po tayong 956 na pamilya or 3,460 na indibidwal ang nananatili sa 16 evacuation centers sa Region IV-A,” dagdag niya.

Naglagay na ang DOH ng mga gamot at iba pang medical supplies sa mga apektadong lugar, ani Duque.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Nag-preposition naman po ang inyong CHD [Center for Health Development]-Calabarzon ng halos P1.09 million worth of health commodities gaya ng mga gamot at mga Covid-19 related supplies upang magamit sa atin pong mga response operations,” aniya.

Dagdag niya, ““Patuloy lamang ang ating ugnayan sa ating mga Centers for Health Development at local health units concerned upang makapagpaabot ng agarang serbisyo sa mga apektadong pamilya sa IV-A.”

Hinimok din ni Duque ang mga residente malapit sa Taal Volcano na magmasid pa rin sa sitwasyon at sundin ang payo ng mga awtoridad.

“Nananawagan ang DOH sa ating mga kababayan na nakatira malapit sa Taal Volcano na manatiling alerto at sumunod sa mga anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan, at syempre kasama diyan po ang ating DOST-PHIVOLCS,” ani Duque.

Analou de Vera