Mukhang tumitindi pa ang iringan sa pagitan nina Gretchen Barretto at Senador Ronald 'Bato' Dela Rosa kaugnay ng e-sabong na negosyo ng kaibigan ni Greta na si Atong Ang.

Matapos imbitahan ang kaibigang si Atong Ang sa isang Senate hearing kaugnay ng nawawalang mga sabungero kamakailan, hindi napigilang mag-react ni actress-socialite Gretchen Barretto sa umano’y pangga-grandstand ni Sen. Bato dela Rosa.

Sinita ni Gretchen ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Substances kasunod ng umano’y panggawa nito ng eksena sa Senado para makuha ang pabor ng manonood. Sinita rin ni La Greta ang mamahaling relo na suot umano ni Bato sa senate hearing.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/25/greta-binira-ang-estilo-ni-bato-sa-e-sabong-senate-hearing-bagay-sayo-game-show/">https://balita.net.ph/2022/03/25/greta-binira-ang-estilo-ni-bato-sa-e-sabong-senate-hearing-bagay-sayo-game-show/

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sunod na binira pa nito ang senador, “How did Bato ever become a Senator? Tingnan mo nga ang line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo. People vote wisely! Don’t vote a Bato!”

Isa pa sa mga ibinunyag ni Gretchen, isa ring sabungero si Bato.

“Tumatalkpak kasi ‘tong si Bato na ‘to e. Bato, ilabas natin ‘yung mga talpak mo kaya? Alam ko may balance 'to sa'yo, Kate, no?…The truth will come out, Bato, soon.”

Hindi naman ito pinalagpas ni Bato at sumagot sa mga maaanghang na pahayag ng actress-socialite.

“Yung unang-una sinabi niya mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng 85,000 na halaga ng relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga 'yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila 'yun.”

Tungkol naman sa alegasyon ni Greta na isa rin siyang sabungero at tumatalpak din, "Tapos sasabihin pa na mayroon daw akong utang sa… sabi niya may balance daw ako? Paano ako magkaka-balance never naman akong nagsusugal. Never naman akong nagsasabong. Never in my life, kahit once na, nag-bet ako sa sabong. Hindi nangyari sa buhay ko 'yan.”

Hinggil naman sa 'grandstanding' na sinasabi nito, "Never I have wanted to grandstand in any of my… anything that has to with my performance on the job. I never grandstand. Ako, galit na galit ako sa mga grandstanding na mga senador, grandstanding ng mga congressman. Ayoko niyon… kaya I don’t know kung nag-grandstanding ba ako pero, it was not, never in my intention na mag-grandstanding ako.”

Para kay Bato, 'character assassination' ang ginagawa ng kampo ni Gretchen sa kaniya.

"You cannot attack person through issues, you attack him through his character, so character assassination yung ginagawa nila. Character assassination ang ginagawa nila sa akin, para lang to get back at me. Dahil hirap pa silang lumusot sa issues na kinaroroonan nila ngayon.”

Samantala, sa latest Instagram post naman ni Gretchen nitong Marso 29, hinamon niya si Bato na handa niyang isiwalat ang mga ebidensya niya laban dito, lalo na sa media. Sabihin lamang daw kung saan at kailan. Kalakip ng IG post ang screengrab ng balita mula sa SMNI.

"I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato Dela Rosa. In front of media. Time & place? Hurry pls.," matapang na hamon ni Gretchen.

Screengrab mula sa IG/Gretchen Barretto

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Bato kaugnay sa hamong ito ni Gretchen.

Nauna nang itinanggi ni Atong ang kanyang pagkakasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero.