Hindi pa tapos ang 'hugot' ni vice presidential candidate Walden Bello sa insidente ng panunugod at pananampal ng aktor na si Will Smith sa komedyante at host na si Chris Rock, sa ginanap na 94th Academy Awards o Oscars nitong Linggo ng gabi, Marso 27 (Marso 28 ng umaga sa Pilipinas).

Ayon naman sa latest tweet ni Bello noong Marso 28, 'tinalo' umano ni Smith ang ginawa niyang pagkanta sa isang dinaluhang vice presidential debate bilang protesta sa di pagsipot ng katunggaling si Davao City Mayor Sara Duterte.

"Will Smith has outdone my singing Frank Sinatra at the VP debate in protest at Sara Duterte's absence, by striding onstage and slapping comedian Chris Rock for joking about his wife. Now I’ll have to do better at the next debate," aniya.

Dagdag pa niya, "Question is, what do I do?"

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/bello-balak-higitan-ginawa-ni-will-smith-ill-have-to-do-better-at-the-next-debate/">https://balita.net.ph/2022/03/28/bello-balak-higitan-ginawa-ni-will-smith-ill-have-to-do-better-at-the-next-debate/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Ngayong Marso 30 naman, nagpakawala ulit siya ng tweet, at sa pagkakataong ito, para naman kay presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. o BBM.

Aniya, "What Will Smith did to Chris Rock I would be tempted to do to Marcos Junior and his fat cheek. The difference between Will and me is I have greater self control, though I must confess that I would not know what I'd do if Marcos Junior were truly within slapping distance."

Screengrab mula sa Twitter/Walden Bello

Si Walden Bello ay running mate ni presidential candidate Ka Leody De Guzman ng Partido Lakas ng Masa.