Patuloy na kumakalat sa TikTok world ang recorded na bahagi ng podcast nina Saab Magalona at Jim Bacarro na pinamagatang 'Titanium (Sabay-Sabay Version)' kung saan pinag-usapan nila ang pagsuporta ni Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa UniTeam.

Hindi nagustuhan ng mga tagahanga ni Toni at maging ng mga pro-UniTeam ang mga binitiwang salita ng mag-asawa, partikular umano si Jim, na tinawag na 'bitch' ang TV host.

Ang kumakalat na audio clip mula sa podcast ay nagsimula sa pahayag ni Jim tungkol sa mga celebrity na sumusuporta sa isang partido, alang-alang sa 'talent fee'.

"I get what you mean, I super agree, there's a different level of 'I am going to sell my integrity, my ideals, because my child has to eat a piece of bread, 'di ba, versus, 'Naku, wala tayong raket… have to go back to my daily job, that's very different," maririnig mula sa boses ng isang lalaki, na sinasabing si Jim.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Yeah," tugon naman ng boses ng isang babae, na sinasabing si Saab.

Maya-maya ay nabanggit ni Saab ang mga pangalan ng mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta sa UniTeam gaya ng Hale, Andrew E, at nang mabanggit si Toni G, ay napahinto sila.

"Toni G… I don't think she's doing it for the money. I don't think so… how much money… how much more money do you need," saad ni Saab.

"That's you will be surprised! Do you think we say the same thing to Chavit Singson, to Manny Pacquiao, to all these dudes… once you get into that system…," saad naman ni Jim. At dito na naibahagi ni Jim na bago pa man daw sumikat si Toni G ay nakaharap na niya ito, noong host pa ito ng parody news program na 'Wazzup Wazzup' sa Studio 23 ng ABS-CBN.

Ito ang nagsilbing panimula ni Toni bago siya tuluyang lumipat sa Kapamilya Network mula sa pagiging host ng Eat Bulaga.

"Literally na-meet ko 'yan even if she was not famous, nasa Wazzup Wazzup pa lang siya, she was a…. biiiiitch…" sey ni Jim

"A what?" paglilinaw ni Saab.

"She was like, 'Paano ako sisikat…'" segunda ni Jim. "Seriously, the pandesal in her throat has always been there, because she wants to be famous, she wants money…"

"I don't know that. I don't know if that's accurate, I wish it was not, wish we were wrong, but all your actions Toni G point to this, actually, so I don't understand, I mean… hindi ko gets, hindi ko gets," saad naman ni Saab.

Maya-maya ay napag-usapan naman nila ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano. Nabanggit pa ni Jim ang estilo nito na pare-parehong kulay ng damit (itim) ang sinusuot nito. Para daw itong si 'Mark Zuckerberg' (CEO ng Facebook/Meta) na hindi matalino.

Matatandaang naging trending at isyu ang kumalat na mga litrato ng direktor hinggil sa shooting umano ng campaign ad ng UniTeam, sa panahong dapat daw ay naka-isolate si presidential candidate Bongbong Marcos, matapos ma-expose sa isang staff na may Covid-19.

Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 8) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong noong January 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan umano niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms noong January 6. Isang medical certificate pa ang nailabas na may petsang January 7.

Ngunit kaagad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato. Aniya, totoo na may shoot sila noong January 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Ang tanging kasama lamang niya ay ang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama si BBM sa January 8 shooting.

Sa isyu naman ng parehong kulay ng damit ni Paul na nakikita sa mga iniisyung kumalat na resibo o katibayan, ipinagtanggol ng mga netizen ang direktor na sadyang mahilig talaga ito sa black polo shirt, bagay na ibinuking din ng misis na si Toni Gonzaga sa isang panayam sa kanila. Katwiran ni Paul noon, masyado na siyang abala sa buhay para pag-isipan pa ang damit na kaniyang susuutin sa araw-araw, kaya pare-pareho na lamang ng kulay ng damit ang kaniyang binibili.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/30/paul-soriano-kinuyog-dahil-sa-resibo-ng-tv-shoot-ng-unity-ad-sa-panahong-may-sakit-si-bbm/">https://balita.net.ph/2022/01/30/paul-soriano-kinuyog-dahil-sa-resibo-ng-tv-shoot-ng-unity-ad-sa-panahong-may-sakit-si-bbm/

Samantala, wala pang reaksyon o tugon ang kampo ni Toni G tungkol sa isyung ito, kahit matagal na itong kumakalat sa social media.

Ngunit sa isang campaign rally na dinaluhan ng TV host, tinanong niya ang audience kung talaga bang 'bayaran' sila, matapos niyang kantahin ang signature campaign cover song ng UniTeam na 'Roar'.

Simula raw kasi ng tumuntong siya sa entablado ng pangangampanya para sa UniTeam, wala naman daw siyang bayad dito. May mga kampo kasing nambibintang umano sa aktres na nakatanggap umano ito ng tumataginting na ₱120M para lang ikampanya ang UniTeam.

“Simula po nang tumapak ako sa entablado kasama ng UniTeam, sabi nila bayad daw po ako. Bayad po ba kayo?,” ani Toni.

May mga isyu ring lumutang na wala raw choice si Toni kundi suportahan ang UniTeam dahil ninong nila sa kasal si BBM, at ang misis nitong si Liza Araneta-Marcos, ay tita ni Paul. Ito rin umano ang naging associate producer ng ilan sa mga pelikulang idinerehe ng mister ni Toni G, gaya ng 'Kid Kulafu' at 'Transit'.

Ayon naman kay Cristy Fermin sa isa sa mga episode ng Cristy Ferminute, matagal nang tagasuporta ng mga Marcoses ang pamilyang Soriano na kinabibilangan ni Paul, noon pa man, sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.