Isang maikling mensahe ang ipinaskil ng aktor at Quezon City district representative aspirant Arjo Atayde para sa kanyang ina na si Sylvia Sanchez.

“I truly appreciate your time, love and generosity! Ang ina ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng maunlad na tahanan!” mababasa sa Facebook post ni Arjo para sa ina nitong Miyerkules, Marso 30.

Makikita rin sa parehong post ang nakasandal na veteran actress sa kanyang anak.

Tumatakbong kinatawan ng unang distrito ng Quezon City ang aktor kaya’t nagsimula na rin itong mangampanya kamakailan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bagaman nag-alangan noong una, kalauna’y naging suportado ng pamilya ang pagtahak ng anak sa politika. Iginiit din ni Ibyang na hindi umano lalaban ng marumi ang kanyang anak.

Larawan mula Facebook page ni Arjo Atayde

“Hindi kami lalaban ng sira. Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo. Siraan kami nang siraan, siraan nang siraan ang anak ko, ang napag-usapan at ang sinabi ni Arjo, ‘Hindi ako lalaban sa siraan, mommy kasi nandito ako para magserbisyo… gusto kong tumulong sa tao. Hindi para manira ng kahit na sino lalong-lalo na ng kalaban ko. That’s not my cup of tea. Hindi ako ganoo,’” anang beteranang aktres sa panayam ni Ogie Diaz.

Basahin: Sylvia sa kampanya ni Arjo: ‘Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hands on din ang kanyang ina sa kandidatura ng anak na tumatakbong independent.

Kung mahalal na kongresista, isusulong ni Arjo ang pagpapaunlad ng sistemang pangkalusugan, pangkabuhayan at edukasyon sa mga “poverty-stricken” na lugar sa kanyang distrito.

Si Arjo ang kilalang karelasyon ni Eat Bulaga mainstay Maine Mendoza.