BASILAN – Isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group at 10 na tauhan ang sumuko sa militar sa Hadji Mohammad Ajul kamakailan.

Kinilala ni Western Mindanao Command (WesMinCom) chief, Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr. ang lider ng bandidong grupo na si Abdullah Indanan, alyas Guro.

Kasama rin ni Indanan ang 10 na tauhan nang sumuko sa mga tauhan ng Joint Task Force Basilan sa Barangay Serongon.

Isinuko rin ng mga ito ang 11 matataas na uri ng armas at mga bala.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Nitong Marso 25, napatay ang lider ng ASG na si Radmil Jannatul nang lumaban ang grupo nito sa mga sundalo sa Baiwas, Sumisip.

Kaugnay nito, nangako naman ang mga sundalo na tutulungan ng pamahalaan ang grupo ni Indanan upang makapamuhay ulit, kapiling ang kani-kanilang pamilya.

Liza Abubakar-Jocson