Naabutan at nahuling ‘gumagawa ng milagro’ ang isang 68 anyos na lolo at isang 30 anyos na lalaki sa loob ng isang palikurang nasa loob ng mall na matatagpuan sa CM Recto Street sa Cagayan De Oro City.

Ayon sa ulat ng Brigada News, nahuli sa akto ng rumorondang sekyu sina ‘Alyas Roger’, ang senior citizen, at si Alyas ‘Granger’, may asawa, at ang lalaking binayaran umano ng ₱50 para sa isang ‘kemehan’. Kaagad na inaresto at dinala sa Agora Police Station ang dalawa.

Wala na raw silang makitang ibang lugar kaya sa palikuran na lamang ng mall nila piniling magparaos ng init ng kanilang mga katawan.

Pag-amin din ng matanda, tatlo silang nagkekemehan sa loob ng palikuran, subalit nauna nang umalis ang isa, kaya silang dalawa na lamang ni Alyas Granger ang naabutan ng sekyu.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nahaharap naman umano sa kaso ang dalawa.