Tuloy-tuloy ang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-Task Force Special Operations laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko, colorum, out-of-line at hindi rehistradong mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sa kanilang operasyon mula Marso 25 hanggang 28, umabot na sa 135 ang natikitan sa iba't ibang paglabag sa batas-trapiko habang 54 ang sasakyang na-impound.

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang colorum ay mga sasakyang nagsasakay ng pasahero o cargo na ginagamit ng mga iligal na operator upang pagkakitaan kahit walang certificate of public convenience (prangkisa), provisional authority ospecial permit.

Dagdag pa rito, walang 'passenger insurance' ang colorum na sasakyan, kung kaya't walang makukuhang agarang tulong pinansyal mula sa operator o anumang insurance company ang pasahero kung sakaling maaksidente ang kanyang sinasakyan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!