Ibinahagi ni Dr. Tricia Robredo ang naging karanasan habang nagsasagawa ng house-to-house campaign para sa ina na si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa Tondo sa Maynila nitong Lunes, Marso 28.

"Hindi maco-convert lahat pero lumalapit pa rin para bumati, lalo na dahil nakikidaan lang tayo sa lugar nila," saad ng pangalawang anak ni Robredo sa kanyang tweet.

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1508466209343537155

Nilapitan ni Tricia ang matandang babae na nakasuot ng BBM-Sara na t-shirt. At tumatak sa kanya ang sinabi ng BBM supporter.

"Nung lumapit ako kay Nanay, she was pleasant & she even greeted back. Pahabol niya, “hindi tayo ang nag-aaway,"" dagdag pa niya. "Humbling reminder. I hope we all keep this in mind."

Ibinahagi rin niya ito sa kanyang Instagram story.

Hindi ito ang unang pagkakataon na maka-encounter siya ng isang BBM supporter.

Makikita sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Facebook at Instagram post kamakailan ang taga suporta ni Marcos Jr., na naka-unity hand sign pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/23/sinalubong-man-ng-bbm-hand-sign-sa-isang-lugar-tricia-robredo-nakiusap-sa-kakampinks/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/23/sinalubong-man-ng-bbm-hand-sign-sa-isang-lugar-tricia-robredo-nakiusap-sa-kakampinks/