binalita ni senatorial candidate Salvador 'Sal' Panelo na 'recording artist' na siya para sa bersyon niya ng awiting 'Sana'y Wala Nang Wakas' sa tulong ng Viva Records.
Alay raw niya ito sa mga CWD o children with disabilities. Matatandaang sinabi na ni Panelo na handog niya sa yumaong anak na may Down Syndrome ang naturang awitin, na pinasikat ni Megastar Sharon Cuneta.
"Thank you all for your support!," ani Panelo sa kaniyang Facebook post nitong Marso 28, 2022.
"Last night, we recorded “Sana’y Wala Nang Wakas” with Viva Records. The recording will be out soon. As many have now realized, the song perfectly captures the unconditional love of parents for their children, especially those with special needs/ disabilities (CWDs)."
"For the music video, we plan to feature pictures of CWDs with their parents to help raise awareness for the plight of CWDs in the country. Please send your pictures by email to [email protected] for a chance to be featured. We will accept pictures until April 2, 2022 (this Saturday)."
"Please spread the word," aniya pa.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kanta dahil sa pagpalag ni Megastar Sharon Cuneta nang kantahin ito ni Panelo sa isang event ng LGBTQIA+ community, na inorganisa ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/
Matapos makatanggap ng kritisismo, binura ni Mega ang mga social media post niya tungkol dito. Naglabas din siya ng paliwanag at paghingi ng dispensa sa kaniyang social media platforms.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/">https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/
Samantala, wala pang reaksyon si Sharon tungkol dito. I