Hindi naitago ng Robredo sisters na sina Aika, Tricia, at Jillian ang pagiging 'Swifties' o fan ng American singer-songwriter Taylor Swift.

Sa tweet ng bunsong si Jillian Robredo, pinost nito ang mga larawan ng naganap na "March for Democracy" sa New York City, na siya namang nireplayan ng mga nakakatandang kapatid nito.

"Kaya mo yung paturtleneck, @aikarobredo?" reply ni Tricia sa tweet ni Jillian, na siya namang sinundan rin ng reply ni Aika.

Ani Tricia, "Lunukin nalang natin, mhie. Baka uninvite tayo sa graduation niya, hindi natin makita yung grad speaker?"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Larawan: Screenshot mula sa replies nina Tricia at Aika Robredo/Twitter

Ang tinutukoy ng magkakapatid na speaker sa parating na graduation ni Jillian sa New York University (NYU) ay si Taylor Swift.

Ito ay dahil nakatakda ring makatanggap ang international pop star ng honorary doctorate ng Fine Arts mula sa NYU at magsasalita sa commencement exercises sa Yankee Stadium sa Mayo 18.

Samantala ang ginanap na "Walk for Democracy" naman na dinaluhan ni Jillian ay inorganisa at sinuportahan ng 1Sambayan USA - Northeast, Bagong Alyansang Makabayan USA - Northeast, Filipino Migrants for Leni Kiko, Global Filipinos for Leni, Malaya Movement NJ Chapter, Malaya Movement NY Chapter, Solid Leni Kiko Global, Team Leni Robredo Pinoys NYC, United Filipinos for Leni North America, Young Global Filipinos for Leni at marami pang iba.

Ito ay naganap noong Marso 27, sa New York City.

Layunin ng Walk for Democracy na maging isang nagkakaisang pagpapakita ng puwersa para igiit ang isang patas na lokal at nasyonal na halalan sa Pilipinas sa darating na Mayo 9.