Usap-usapan ang umano'y pambabastos ni Kiko Barzagasa kanyang ama na siCavite 4th District Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, presidente ng National Unity Party (NUP), habang nagsasalita ito sa proclamation rally ng Team Dasma sa Cavite noong Marso 26.

Sa isang Facebook live na ipinost ni Mayor Jenny Austria-Barzaga, asawa ni Rep. Pidi, kung saan mapapanuod ang buong proclamation rally ng Team Dasma, makikita na habang nagsasalita si Rep. Pidi ay umakyat sa stage ang anak na si Kiko kasabay ng pagtugtog ng campaign jingle nito.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

Matapos kumaway, kinukuha niya ang mga papel na binabasa ng kanyang ama.

"Patingin ulit," saad ni Kiko habang kinukuha niya ang mga papel sa kanyang ama.

"Walang kopyahan ng kodigo," pagbibiro ni Rep. Pidi.

Nakuha ni Kiko ang mga papel mula sa ama at tila binasa ang nakasulat.

"Bakit Leni 'to? Akala ko BBM tayo?" saad pa ni Kiko at sinabayan din niya ng chant na "BBM! BBM!"

Si Kiko ay muling tumatakbo bilang councilor sa Dasmariñas Cavite. Kilala rin siyang supporter ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

"Basta 'wag niyo lang kalimutan Kiko Barzaga number 4 sa balota. Iboto niyo 'ko! Thank you everyone!" ayon pa kay Kiko sabay balik ng mikropono sa kanyang ama.

Ngunit mukhang ayos lang kay Rep. Pidi ang inasta ng kanyang anak dahil "all smiles" pa rin ito kahit biglaang umakyat sa stage ang anak.

"Okay I will continue what I am saying before I was rudely interrupted," pabirong sabi ni Rep. Pidi sabay tingin sa kanyang anak na si Kiko.

Matatandaang inendorso ng National Unity Party (NUP) ang kandidatura ni Marcos Jr.Gayunman, nagpahayag ng suporta si NUP President Pidi Barzaga kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mismong araw din ng proclamation rally ng Team Dasma. Kaya't mapapansin din na mayroong kulay pink ang kanyang suot.

“As I analyzed all the qualifications and experience of all the candidates for president, only one has the experience in the three departments of our government. And that is Leni Robredo,” aniya.

“If we base (it on) her track record, naniniwala ako that she is the most qualified to be elected as president,” dagdag pa nito.

“Kapag siya ang naging Pangulo, talagang magkakaroon tayo ng gobyernong tapat at aangat ang buhay ng lahat."

Binanggit din niya ang mga karanasan ni Robredo sa executive bilang bise presidente, legislative bilang congressman, at judiciary bilang abogado.

Maging ang kanyang asawa na si Mayor Jenny Barzaga ay suportado si Robredo.