Hindi pinalagpas ni Miss Universe 2015 na maitama ang mga kumakalat na fake news na may koneksyon sa kaniya.

Kumakalat kasi sa social media ang isang art card na naglalaman umano ng kaniyang pahayag ukol sa negative campaigning. sa ibaba ng art card, makikita naman ang logo ng CNN.

Nakasaad sa art card ang mga pahayag na "Don't just believe in negative campaigns, I really do believe that if your heart is pure and ready to serve our country towards a better future then all you gonna do is to promote yourself and not by destroying figures of your co-candidate it may look desperate. I do believe that people who does negative campaigning is really on pressure and threatened because he/she is behind the other candidate."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter

Nitong Lunes, Marso 28, nagpakawala ng mga tweet si Pia na nagsasabing hindi sa kaniya galing ang mga naturang pahayag at huwag magpapaniwala ang mga netizen sa naturang art card.

"Hello po! I did not say this. Let us not spread fake news. Don’t believe all quotes that you see online. Let’s make it a habit to double check our sources," paalala ng beauty queen.

Screengrab mula sa Twitter/Pia Wurtzbach

Sa isa pang tweet, I appreciate your comments relating to the post. But let’s always be mindful of what we share. Double check our sources, triple check if needed. No to fake news!"

Screengrab mula sa Twitter/Pia Wurtzbach

Samantala, burado na ang naturang art card na ipinakalat ng isang netizen.