Pinaalalahanan ng Las Piñas City government ang publiko na ang friendship route sticker na iniisyu ng lokal na pamahalaan ay walang bayad at hindi ipinagbibili sa mga motorista.

Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre sa isang Facebook page na iligal na nagbebenta ng mga pekeng friendship route stickers.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

"Pinapaalalahanan po ang lahat na HINDI ipinagbibili ang Las Piñas Friendship Route Stickers at may mga proseso at requirements na dapat sundin at isumite para mabigyan nito," ayon sa official Facebook page ng City of Las Piñas nitong Marso 29. 

Panawagan ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas sa publiko na mag-ingat sa ganitong modus at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad sakaling may matuklasang indibidwal o grupo na sangkot sa ganitong masamang gawain.

 

Babala ng Las Piñas City government na papatawan ng karampatang multa at parusa ang sino mang mahuhuling nagtitinda o bumibili ng pekeng friendship route sticker ng lungsod.