CEBU CITY – Nasamsam ng mga awtoridad sa ilalim ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO 7) ang P46.6 milyong halaga ng iligal na droga at naaresto ang 715 indibidwal.

Ang mga pagkumpiska at pag-aresto ay bahagi ng serye ng mga operasyon ng pulisya sa Rehiyon 7 na tinaguriang Simultaneous Enhanced Managing Police Operations (SEMPO).

Ang serye ng mga operasyon ng pulisya sa buong rehiyon ay nagsimula noong 12:01 a.m. noong Marso 26 at natapos ng 12:01 a.m. noong Marso 27, iniulat ng PRO 7.

Nakatuon ang SEMPO sa anti-illegal drugs, loose firearms, explosives, wanted persons at anti-illegal gambling operations.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6,829.83 gramo na may tinatayang halagang P46,442,844 habang 167 drug personalities sa 143 drug operations ang naaresto noong araw na iyon, ani PRO 7 regional director Brig. Gen. Roque Eduardo Vega.

Gayundin, 113 illegal gambling operations ang isinagawa na humantong sa pagkakakumpiska ng P26,956 gamling money at pagkakaaresto ng 287 katao.

Narekober din ng PRO 7 ang 233 loose firearms at tatlong pampasabog habang inaresto ang 15 violators.

Inaresto rin ng PRO 7 ang 246 na wanted na tao, 57 sa kanila ay itinuring na "top most wanted persons."

Calvin Cordova