Matapos puntiryahin ni Darryl Yap ang “pagpapabago ng mukha” ng sikat na online personality na si Mika Salamanca, agad itong pinalagan ang direktor na nabitag pala ng isang pekeng Facebook account.

Pinalagan ng YouTuber ang isang pekeng Facebook handle na ginamit ang kanyang pangalan para sa isang informal political surveys kamakailan. Napaniwala rin ng parehong account ang kontrobersyal na "Kape Chronicles" director na si Darryl na nagkapagbitaw pa ng maanghang na pahayag laban sa online personality.

“When I hosted in Camanava, I already prepared myself for the backlash that I might receive. But isn’t this just too much? Why does this page keep pretending to be me and why do people believe this BS (bullsh**)? I was in the rally because obviously I know where I stand in this,” tila galit na pahayag ni Mika sa isang Facebook post nitong Lunes kalakip ang screenshot ng pekeng Facebook page.

Aniya, kaya pa niyang palampasin ang mga personal na pag-atake ngunit hindi niya kayang hayaan na gamitin ang kanyang pangalan para sa pagpapakalat ng fake news.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Why do they have to use my name to post stupid things like this? Personal attacks, I can take. But using my name to spread fake news??? Especially on such an important matter? Just stop. Such a low blow,” aniya.

Biktima rin ng pekeng page ang kilalang direktor na si Darryl na nagkomento pa ng tugon sa nasabing account. “Magpa-praktis ka pa? Eh nagpabago ka na ng mukha,” maanghang na saad ni Darryl sa isang komento ng pekeng account.

Dahil dito, hindi nakaligtas kay Mika ang umano’y “misogynistic” na pahayag ng direktor. “And to Darryl Yap, take your misogynistic ass away from me. The bar is already low but didn’t expect you lack basic human decency too lol,” saad ni Mika.

Agad namang humingi ng paumanhin ang direktor sa kanyang binitawang “very impulsive and harsh” comment.

Dagdag ng direktor, hindi niya alam na may verified account si Mika dahil hindi rin umano ito “aware” sa social media following ng online personality.

Ilan pang interaksyon mula sa ilang netizens ang nakita ng direktor kaya’t inakala nitong lehitimo talaga ang account. “I know—hindi porket MUKHANG totoo, totoo. Dapat inalam ko na PEKE. My bad,” ani Darryl.

“That same account commented derogatory words on my wall, people prompted me, I googled and saw some of your issues and I reacted hastily,” dagdag nito.

“My comment was very impulsive and harsh,” pagtatapos ni Darryl na muling humingi ng paumanhin kay Mika.

Samantala, nilinaw ni Mika na tanging ang kanyang verified account lang ang hinahawakan niyang Facebook page. Nanawagan din siya sa kanyang mga tagasuporta na i-report ang duplicate accounts niya sa Facebook.

Hindi na rin tumugon si Mika sa paghingi ng paumanhin ni Darryl.