Handang ibenta ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno ang mga umano'y nakatiwangwang na ari-arian ng gobyerno upang makakuha ng pondo para matugunan ang kagutuman at para makagawa ng mga proyektong mapapakinabangan umano ng publiko, sakaling mahalal bilang pangulo.

“In the future, for example, may assets o ari-arian ang gobyerno na nakatiwangwang, at ang tao gutom. Hindi naman realtor ang gobyerno eh. Kapakinabangan ba ito ng tao? Hindi. Kapakinabangan ng mga kumare at kumpare na malapit sa politiko,” ani Domagoso noong Linggo, Marso 27 sa inagurasyon ng Tondominium 2.

“Pagdating ng araw, tayo ang presidente, ‘yan ang survey, isasalya ko lahat ng lupa ng estado na hindi napapakinabangan, isasalya ko rin ang assets na underperforming,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa alkalde handa niyang ibenta maging ang city hall upang makakuha ng pondo at may maipakain sa mga tao. Wala rin daw kwenta ang mga building kung hindi napapakinabangan ng mga tao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kahit ibenta ko lahat. Kahit ibenta ko ang city hall. Gusto mo pati clock tower ibenta ko, makakain ka lang. Aanhin ko ang mga building na ‘yan. Nalulugi naman. ‘Yang mga bagay na ‘yan, wala namang kwenta, hindi naman napapakinabangan ng tao,” anang alkalde.

Usap-usapan din ngayon ang umano'y ibinenta ni Mayor Isko ang Divisoria Public Market sa halagang isang bilyon sa isang pribadong kumpanya.

As of writing, wala pang pahayag si Domagoso ukol sa isyung ito.