SAN MANUEL, Isabela -- Arestado ang lalaking naglagay ng granada sa ibabaw ng lamesa habang nakikipag-inuman sa tatlong indibidwal sa Brgy. Eden San Manuel, Isabela. 

Sinabi ng San Manuel Police na nakikipag-inuman ang grupo ng mga lalaki sa suspek na si Romel Velasco, 37, construction worker nang mangyari ang insidente dakong 11:20 ng gabi noong Marso 28.

"Awan sa met pulutan yu (Wala naman kayo pulutan)," ayon umano sa suspek at bigla raw itong naglapag ng granada sa ibabaw ng lamesa.

Dahil sa gulat at takot na mawalan ng buhay, isa-isang nagtakbuhan ang mga kainuman nito at iniulat ang insidente sa mga opisyal ng barangay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Rumesponde kasama ng mga opisyal ng barangay ang ilang tauhan ng pulis sa pinangyarihan ng insidente kung saan nilagay ang nasabing granada.

“Naabutan pa ng mga pulis ang suspect sa lugar at inihagis ang granada patago, mabuti na lang at hindi natanggal ang pin at 'di sumabog,” sabi ni Major Sunny M. Longboy, Chief of Police, sa Manila Bulletin.

Sa imbestigasyon, igniit ng suspek na narekober lang niya ang granada sa bahagi ng Kalingan kung saan minsan ay nagtatrabaho rin siya.

Narekober ng pulisya ang MK2 Grenade.

Sasampasahan si Velasco ng kasong paglabag sa PD 1866 in relation to Omnibus Election Code.