Isa si ABS-CBN news anchor Karen Davila sa mga napa-react na celebrity tungkol sa panunugod at pananampal ni Will Smith kay Chris Rock habang isinasagawa ang programa ng 94th Academy Awards o Oscars noong Linggo ng gabi, Marso 27, 2022 (Marso 28 ng umaga sa Pilipinas) dahil sa pagbibiro nito sa misis niya na si Jada Smith.

Ito pa naman ang kauna-unahang Oscars ni Smith, kung saan nagwagi siyang Best Actor para sa pelikulang 'King Richard'. Nanganganib daw na bawiin ng Oscars ang tropeo niya dahil sa kaniyang ginawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/2022oscars-will-smith-sinugod-sinampal-si-chris-rock-dahil-sa-biro-nito-sa-misis-niya/">https://balita.net.ph/2022/03/28/2022oscars-will-smith-sinugod-sinampal-si-chris-rock-dahil-sa-biro-nito-sa-misis-niya/

Saad ni Karen sa kaniyang tweet noong Marso 28, hindi raw kapani-paniwala ang ginawa ni Smith. Isang 'disconnect' daw sa speech niya na gusto niyang maging vessel of love sa kaniyang ipinakitang pananakit kay Rock.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

"This was TERRIBLE. Will Smith hits Chris Rock on stage - physically assaults him, humiliates him on global TV, shouts expletives at him… and then in his acceptance speech says 'I want to be a VESSEL OF LOVE'", saad ni Karen.

"What a disconnect!"

Screengrab mula sa Twitter/Karen Davila

Sa isa pang tweet, sinabi niya na "It could’ve been the perfect opportunity to educate a global audience… sadly, everyone just remembers the physical & verbal violence on TV. #AcademyAwards2022."

Screengrab mula sa Twitter/Karen Davila

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Madali sabihin yang mga “could’ve” na yan mam, kasi hindi tayo yung mismong nandoon. Madali natin maisip na opportunity to educate yon kasi we are just watching what is going on."

"It would’ve been more impactful if he called out Chris during his speech instead of smacking him."

"With all the violence and intolerance in the world, this is something we don’t need to see."

"The irony."

Samantala, nagbigay na rin ng opisyal na pahayag ang Oscars tungkol sa isyu.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/academy-awards-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-will-smith-chris-rock-issue/">https://balita.net.ph/2022/03/28/academy-awards-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-will-smith-chris-rock-issue/